Pagpatay sa local civil registry ng Bacoor Cavite, nahuli sa CCTV

Manila, Philippines – Patay ang chief ng local civil registry ng Bacoor, Cavite at kanyang asawang Engineer matapos silang tambangan sa Barangay Pamplona Uno, Las PiƱas City.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang kotse ng mag-asawang Engr. Felipe at Atty. Dolores Yumol.

Ilang sandali, dumatinG ang mga lalaking nakamotorsiklo saka pinaulanan ng bala ang mag-asawa saka tumakas.


Ayon kay Las PiƱas PNP Chief, C/Insp. Joel Cambi ā€“ inaalam na kung may kinalaman sa trabaho ni Atty. Yumol ang pagpatay.

Tinutukoy na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek na nahagip ng CCTV.
DZXL558

Facebook Comments