Pagpatay sa mga binatilyo, ginagamit sa politika ni Senator Riza Hontiveros ayon sa legal counsel ng VACC

Manila, Philippines – Naniniwala ang legal counsel ng Volunteers Against Crime and Corruption na ginagamit sa politika ni Senator Riza Hontiveros ang kaso ng mga binatilyong napapatay sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Ayon kay VACC legal counsel Atty. Jacinto Jing Paras, halatang halata ang ginagawang pagmamanipula ng kampo ni Senadora Hontiveros sa mga testigong hawak nito.

Paliwanag ni Paras nang kanilang puntahan ang mga menor de edad na testigo na nasa pangangalaga ni Bishop Pablo David – inamin ng mga ito na inalok na sila ng kampo ng senadora ng iba’t ibang benipisyo gaya ng scholarship at trabaho para sa kanilang tatay.


Panawagan naman ni VACC Founding Chairman Dante Jimenez sa mga taong gumagamit sa kaso ng mga binatilyo na tumigil na at tumulong na lang na mahanap ang tunay na hustisya para sa mga biktima ng karumal dumal na krimen.

Facebook Comments