Pagpatay sa mga sundalo sa Jolo, itinuturing na ‘murder’ ng pinuno ng Philippine Army

Itinuturing ni Philippine Army Chief, Lieutenant General Gilbert Gapay na ‘murder’ at hindi ‘misencounter’ ang pagkakapatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Gapay, imposibleng walang casualty sa panig ng mga pulis kung nagkaroon talaga ng palitan ng putok ng baril.

Iginiit ni Gapay na hindi nagpapaputok ang kanilang tropa at ‘rubout’ ang nangyari.


Maliban sa motibo, nais ni Gapay na malaman kung bakit iniwan lang ng mga pulis na nakahandusay ang mga sundalo.

Siyam na police personnel ang sangkot sa insidente na kumitil sa buhay nina Majoy Marvin Indamog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Eric Velasco at Corporal Abdal Asula.

Kinilala ang mga ito na sina:

  1. Police Staff Sergeant Almudzrin Hadjaruddin
  2. Patrolman Alkalaj Mandangan
  3. Patrolman Rajiv Putalan
  4. Police Senior Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri
  5. Police Master Sergeant Hanie Baddiri
  6. Police Staff Sergeant Iskandar Susulan
  7. Police Staff Sergeant Ernisar Sappal
  8. Police Corporal Sulki Andaki
  9. Patrolman Moh Nur Pasani
Facebook Comments