Pagpatay sa Municipal Administrator ng LGU Lasam, Iniimbestigahan

57

Cauayan City, Isabela- Duguan ng matagpuan ang wala ng buhay na katawan ni Municipal Administrator Benjamin Augustus Agatep, 55-anyos, may asawa at residente ng Callao Sur, Lasam, Cagayan kahapon, Nobyembre 29.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Lasam Police Station, nagbibisikleta umano ang biktima nang pagbabarilin ito ng riding-in-tandem criminals at kaagad na tumakas pagkaraan ng insidente.


Ayon pa sa inisyal na ulat ng mga otoridad, nagtamo ng pitong (7) tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Inaalam pa rin sa ngayon ang motibo ng pagpatay sa biktima at kung sino ang mga taong bumaril kay Agatep.

Nagluluksa ang mga kaanak at malapit sa biktima matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa kanilang mahal sa buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad para sa ikalulutas ng kaso.




Facebook Comments