Pagpatay sa PDEA agent, kinondena ng CHR

Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang brutal na pagpaslang sa anti-drug agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Camarines Sur.

Itinuturing ni CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia na ang pagpatay ay may layuning pilayan ang isang kampanya na magpapalaya sana sa publiko sa banta ng illegal drugs.

Ginawa ng CHR ang pahayag kasunod ng pagpatay kay Enrico Barba, isang anti-drug agent na kapo-promote lamang na assistant provincial officer ng PDEA sa Camarines Sur.


Una napaulat na nawawala si Barba at natagpuang tadtad ng tama ng bala matapos makipagkita sa isa umanong informant.

Sa interes ng patuloy na pakikipaglaban ng ahensya sa hustisya sa mga napapatay sa war on drugs, nagsagawa ang CHR Region V ng hiwalay na imbestigasyon sa nangyaring pagpatay kay Barba.

Nauna nang ipinahayag ni PDEA Director General Aaron Aquino na ang panibagong pag-aalay ng buhay ng kanilang mga ahente ay patunay na nasasaktan na ang sindikato ng droga sa pinalakas na operasyon nila sa Bicol Region. <#m_5297832862508310960_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments