Pagpatay umano ng CCTV sa bahay ng napatay na alkalde ng Ozamis, posibleng may iregularidad ayon sa isang abogado

Manila, Philippines – Naniniwala ang isang abogado na maaring may iregularidad sa paghahain ng search warrant sa bahay ni Ozamis City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Ito’y kasunod ng isyu ng pagpatay umano ng mga pulis na nagsagawa ng operasyon ng CCTV sa lugar ng napatay na alkalde.

Ayon kay Atty. Regidor Tulali – maituturing dapat na katuwang ng mga awtoridad ang mga CCTV para patunayang lehitimo ang kanilang operasyon.


Dagdag pa ni Tulali, pwedeng gumamit ng kinakailangang pwersa ang mga awtoridad kapag tumanggi ang may-ari o sinumang tao na gawin ang paghahaluglog.

Nilinaw din ng abogado na pwedeng isagawa anumang oras ang operasyon basta’t nakasaad ito sa warrant.

Facebook Comments