Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na susuportahan nila ang batas na naglalayong pagpatupad muli ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) sa lahat ng paaralan ng bansa.
Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, ito ay mandato ng batas kaya susundin nila ito.
Pinupuri naman ng kagawaran ng mga mambabatas ng bansa sa pagbibigay ng atensyon sa paghubog ng kabutihang asal ng mga Pilipinong mag-aaral.
Kahapon, ganap ng batas ang Republic Act 11476 o GMRC and Values Education Act, matapos lagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Layunin ng batas na gawin subject ang Values Education program sa ilalim ng K-12 curriculum bilang kapalit ng Edukasyon sa Pagpapakatao curriculum.
Si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang principal author ng GMRC Bill.