Nilinaw ni Senador Bam Aquino na noon pa man ay marami ng mga kasamahan niyang mga Senador ang nangangamba pero ang ipingtataka ng Senador ay ipinasa pa rin ang naturang batas.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Mnaila Bay sinabi ni Senador Aquino na maliwanag naman aniya na nag “No”siya at apat lamang sila ng tumutol sa Train Law kabilang na probisyon na kanyang tinutulan ay dapat tanggalin ang buwis sa petrolyo.
Ayon kay Senador Aquino itinuloy pa rin ng mga kasamahan niyang Senador ang naturang batas pero sa loob ng dalawang buwan naramdaman na ng mga Pilipino ang epekto nito dahil tumaas ang presyo ng produkto ng petrolyo.
Paliwanag ni Aquino na kung mayroong siyang gagawin na batas ay dapat ay pababa ang presyo hindi pataas dahil ang tatamaan dito ay ang mga Pilipino.
Dapat aniyang tanggalin ang Probisyon na malaking epekto sa mga mamamayang Pilipino pero ang problema ay itinuloy pa rin ng mga kasamahan niyang Senador.
Giit ni Aquino malaki ang epekto kapag binuwisan taalga ang produktong petrolyo dahil tiyak mgkakaroon ng domino effects at ang tatamaan dito ay ang taongbayan.