Pagpatupad ng Train Law marami ang tinamaan na mga mahihirap na Pilipino

Nilinaw ni Senador Bam Aquino na noon pa man ay marami ng mga kasamahan niyang mga Senador ang nangangamba pero ang ipingtataka ng Senador ay ipinasa pa rin ang naturang batas.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Mnaila Bay sinabi ni Senador Aquino na maliwanag naman aniya  na nag “No”siya at apat lamang sila ng tumutol sa Train Law kabilang na probisyon na  kanyang tinutulan ay  dapat tanggalin ang buwis sa petrolyo.

Ayon kay Senador Aquino itinuloy pa rin ng mga kasamahan niyang Senador  ang naturang batas pero sa loob ng dalawang buwan naramdaman na ng mga Pilipino ang epekto nito  dahil tumaas ang presyo ng produkto ng petrolyo.


Paliwanag ni Aquino na kung mayroong siyang  gagawin na batas ay dapat ay pababa ang presyo hindi pataas dahil ang tatamaan dito ay ang  mga Pilipino.

Dapat aniyang tanggalin ang Probisyon na malaking epekto sa mga mamamayang Pilipino pero ang problema ay  itinuloy pa rin ng mga kasamahan niyang Senador.

Giit ni Aquino malaki ang epekto kapag binuwisan taalga ang produktong petrolyo dahil tiyak mgkakaroon ng domino effects at ang tatamaan dito ay ang taongbayan.

Facebook Comments