Magbibigay ng ‘stability’ sa mga Local Government Unit (LGU) lalo na sa pagtugon nila sa COVID-19 pandemic ang pagpapatupad ng isang-buwang community quarantine.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magiging mahirap para sa mga LGU na panatilihin ang kanilang pandemic response kung palaging nagbabago ang quarantine status kada dalawang linggo.
Mas maayos aniya na maipatutupad ng mga LGU ang localized at granular lockdown.
Sa kabila ng mahabang quarantine classification, patuloy ang weekly public address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na inilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Iligan City habang nasa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Batangas, Bacolod City at Tacloban City.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa Modified GCQ.