Pagpayag na makalabas ng bansa si Maria Ressa, ipinauubaya na ng Palasyo sa korte

Ipauubaya na ng Palasyo ng Malacañang sa korte kung papayagang makalabas ng bansa ang mamamahayag na si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa.

Kasunod ito ng panawagan ng United Nations (UN) sa gobyerno na payagang makabiyahe sa Norway si Ressa para tanggapin ang kanyang Nobel Peace Prize award sa December 10.

Ayon kay acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, wala sa Ehekutibo ang pagpapasya para kay Ressa dahil korte ang may hurisdiksiyon sa kanya.


“Alam ninyo, nasa korte iyan eh. It is actually an issue na we leave it to the courts to decide. So, as a coequal branch of government, siyempre nirirespeto natin iyong proseso ng ating mga korte. So, we will leave it to the courts to decide.” Ani Nograles.

Nauna nang na-convict si Ressa sa kasong cyber libel matapos ireklamo ng isang negosyante dahil sa artikulong inilabas nito sa Rappler laban sa kanya.

Facebook Comments