Pagpayag ng Comelec sa substitution ni Ronald Cardema bilng nominee ng Duterte Youth hindi pakikialaman ng Malacanang

Dumistansiya ang Palasyo ng Malacanang sa desisyon ng Commission on Elections na tanggapin ang petition for substitution ni dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema bilang nominee ng Duterte Youth Partylist.

 

Batay sa desisyon ng Comelec ay 4 na commissioner at si Comelec Chairman Sheriff Abas ang pumabor sa petisyon, kinontra naman ito ni Commissioner Rowena Guanzon habang nag abstain naman si Commissioner Luie Tito Guia.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi nakikialam ang Malacanang sa anomang proceedings o proseso ng ibang sangay ng Gobyerno at ibang Constitutional Body.


 

Matatandaan na pinaimbestigahan ng Malacanang si Cardema dahil sa pagsasagawa ng isang Pulong sa NYC matapos itong magsumite ng petisyon sa Comelec para sa substitution bilang nominee ng nasabing partylist.

Facebook Comments