Pagpayag ng kilalang supermakets na pagbaba ng presyo ng asukal, walang kapalit – Malakanyang

Napakiusapan lang kaya pumayag ang kilalang supermarkets na ibaba sa P70 kada kilo ang presyo ng asukal mula sa P90 hanggang P110 kada kilo.

Ito ang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles sa press briefing sa Malakanyang.

Aniya, si Executive Secretary Victor Rodriguez ang nakiusap sa mga may-ari ng mga kilalang supermarkert para ibaba sa P70 kada kilo ang presyo ng asukal batay na rin utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Ang dahilan ng pakiusap ay upang matulungan ang ordinaryong consumers kahit pansamantala lang hanggang sa maresolba o maitawid hanggang Setyembre o sa harvest season.

Samantala, nilinaw ni Secretary Angeles na hindi kasama ang S&R membership shopping sa magbebenta ng P70 kada kilo ng asukal, paliwanag ng kalihim, hindi kasi nagbebenta ng tingi-tingi ang S&R kaya hindi siya kasali sa mga kilalang retailer supermarket na magpapatupad ng bawas presyo sa asukal simula sa susunod na linggo.

Facebook Comments