Pagpayag ng korte para makapag-piyansa si dating Sen. Leila de Lima, pinuri ng ilang foreign envoys

Ikinatuwa ng ilang foreign envoys at kinatawan ng European Parliament ang bail grant para kay dating Senator Leila de Lima makalipas ang 7 taon na pagkakakulong.

Ayon sa Amnesty International, tinanggap din umano nila ang naging pagbasura ng natitirang drug case ni De Lima at iba pang mga paglabag sa kaniyang karapatang pantao na dapat mapanagot sa batas.

Naging target umano si De Lima ng gobyerno dahil sa kaniyang pagbatikos sa war on drugs at iba pang karapatang pantao.


Hindi din dapat aniya nakulong ang dating Senadora kahit ni isang araw sa piitan.

Samantala, sinabi naman nina US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, European Union Hannah Neumann at ang Embahada ng Germany na ikinatuwa nila ang pag-apruba sa pagpapalaya kay De Lima.

Umaasa rin ang mga ito na sana’y matuldukan na ang kaniyang kaso kaugnay sa International Human Rights commitments ng bansa.

Facebook Comments