Pagpayag ng LTFRB sa mga TNVS hatchback, suportado ng isang senador

Pinasalamatan ni Senator Grace Poe ang kautusan ni transportation Secretary Arthur Tugade na ipatupad ng Land Transporation and Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang memorandum nito na nagpapahintulot sa mga kotseng hatchback na pang-TNVS.

 

Para kay Senator Poe, isa itong positibong hakbang sa pagsasaayos ng operasyon ng TNVS o Transport Network Vehicle Service.

 

Pinupuri din ni Poe ang pagpupursige ng mga TNVS driver at operator para sa makatarungang pagtrato sa kanila.


 

Umaasa si Poe na mag-uusap ang LTFRB at mga driver at operator sa mga darating na araw para sa maayos na operasyon ng TNVS at kaginhawaan ng mga pasahero.

 

Plano ni Poe na maghain ng panukalang batas para ilagay sa angkop na pangangasiwa ang mga TNVS.

 

Layunin ng panukala na mabigyan ng ligtas at komportableng transportation ang ating mga publiko.

Facebook Comments