Pagpayag ng pamahalaan sa importasyon ng bigas, ikinadismaya ng samahan ng mga magsasaka

Manila, Philippines – Dismayado ang samahan ng mga magsasaka sa pagpahintulot ng pamahalaan na buksan ang importasyon ng bigas sa bansa.

Sa ginanap na Forum sa QC sinabi ni Pambansang Katipunan ng Makabayang Magbubukid Spokesperson Jun Pascua na hindi tumalima si Agriculture Secretary Manny Piñol sa una nitong pangako na hindi na mag-aangkat ng supply ng bigas sa ibang bansa dahil mayroon umanong sapat na bigas sa bansa.

Paliwanag ni Pascua, katatapos lang ng anihan pero nagtataka ang mga magsasaka kung bakit pinahintulutan ni Piñol na mag-angkat ng 250 libong metriko toneladang bigas sa ibang bansa gayong katatapos lamang umano ng anihan.


Giit ng grupo hindi sila tutol na mag-import ng bigas bastat ang pamamaraan lamang umano ay Government to Government upang maiwasan amg kurapsyon sa gobyerno pero ang ipinatutupad nila umano ay Government to Private Sector kayat hindi maiwasan umano magkaroon sila ng agam-agam na mayroong kumita sa naturang transaksyon.

Facebook Comments