Hiniling ni Senator Francis Tolentino sa Philippine National Police (PNP) na pag-aralan munang mabuti ang magiging epekto ng pagpayag sa mga sibilyan na magmay-ari ng mga matataas na kalibre ng armas tulad ng M-14 rifle.
Kasunod na rin ito ng pagkabahala ng senador sa inamyendahang implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ayon kay Tolentino, dapat na maghinay-hinay at maging strikto sa screening o pagpili ng mga dapat na magmay-ari ng baril lalo na pagdating sa mga semi-automatic firearms.
Nababahala ang mambabatas sa pagluwag sa pagmamay-ari ng baril dahil na rin sa tumataas na road rage incidents bansa.
Mainam aniyang magkaroon muna ng moratorium sa probisyon dahil mahirap nang magaya ang Pilipinas sa talamak na pamamaril tulad sa Amerika.