Pagpayag ng Sandiganbayan na makapag-piyansa si dating Sen. Jinggoy Estrada, kinuwestiyon

Manila, Philippines – Kinuwestiyon ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel ang pagpayag ng Sandiganbayan na makapag-piyansa si dating Senador Jinggoy Estrada.

Aniya, non-bailable na kaso ang plunder kaya ipinagtataka niya ang naging desisyon ng anti-graft body.

At dahil nasimulan na, posible aniya na sumunod na rin ang iba.


Iminungkahi ni Pimentel na dapat amyendahan na lang ang batas para hindi masabing nakapanig ang batas sa kung sino ang malakas.

Sinabi naman ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) Founding Chairman Dante Jimenez – maari pa naman mabaligtad ang desisyon kapag i-aapela ito sa Korte Suprema.

Iginiit pa ni Jimenez – dapat binilisan sana ng sandiganbayan ang paghatol sa kaso ng mga nasasangkot sa PDAF scam.

Facebook Comments