Pagpayag ni Pangulong Duterte na mangisda ang Chinese sa ating EEZ, hindi basehan para sya ay maimpeach

Buo ang paniniwala ni Senate President Tito Sotto III na hindi sapat na basehan para ma-impeach si Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpayag nito na mangisda ang mga Chinese sa ating Exclusive Economic Zone o EEZ.

 

Sabi ni Sotto, lahat naman ay maaring maghain ng impeachment case laban sa pangulo pero duda sya na ito ay uusad.

 

Diin naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, pahayag lang sa media ang binigay ng pangulo at walang itong kongkretong hakbang na maituturing na paglabag sa Art XII, Sec 2, paragraph 2 ng 1987 Constitution.


 

Paliwanag pa ni Lacson, wala din naman magagawa ang ating bansa para ipatupad ang The Hague arbitral ruling para pigilan ng lubos ang sinumang dayuhan na mangisda sa ating EEZ.

 

Ayon kay Lacson, kung magiging basehan ito ng impeachment ay malaming palaging mapapalitan ang ating pangulo.

Facebook Comments