Malaki ang maitutulong sa muling pagbuhay ng industriya ng turismo ang pagpayag sa point-to-point interzonal travel ng mga menor de edad at senior citizens.
Ito ay matapos bigyan ng go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbiyahe ng 18 taong gulang pababa at fully vaccinated senior citizens sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified GCQ.
Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Puyat, mas maraming pamilyang Pilipino ang magnanais nang bumiyahe dahil sila ay kumpleto na.
Aniya, ang pagbibiyahe ay isang paraan para makapag-bonding ang isang pamilyang Pinoy.
Ang resolusyon ding ito ay makakatulong para hikayatin pa ang publiko na magpabakuna na.
Maliban dito, unti-unti na ring makakabalik sa trabaho ang ilang tourism worker at stakeholders na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.