Ikinalugod ni Vice President Leni Robredo ang unti-unting pagbabalik ng in-person classes sa mga lugar na mababa ang banta ng COVID-19.
Ayon kay Robredo, patunay lamang na ikinonsidera ng Department of Education (DepEd) ang kanyang suhestyon na limitadong face-to-face classes kahit naging mabagal ang pagtugon ng ahensya.
Aniya, matagal na niyang isinusulong ang physical classes sa mga lugar na may low o zero transmission ng COVID-19 para matiyak na hindi mapagkaitan ang mga bata ng edukasyon.
Iginiit din ni Robredo na ang ginagawang hakbang ng DepEd ay hindi dapat “one-size-fits-all” policy lalo na at iba-iba ang sitwasyon ng mga lugar sa bansa.
Nasa 400 Local Government Units ang may mababa o walang COVID-19 cases kung saan maaaring gawin ang face-to-face learning.
Ang dry-run para sa face-to-face classes ay itinakda mula January 11 hanggang 23 ng susunod na taon sa ilang piling paaralan na may mababa o walang kaso ng COVID-19.