Manila, Philippines – Iginiit ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na ang pagpayag sa mga Tsinong mangisda sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ay unconstitutional.
Ayon kay Carpio – nakasaad sa konstitusyon na dapat pinoprotektahan ng estado ang marine wealth ng bansa at tanging mga Pilipino lamang ang makikinabang dito.
Ibig sabihin, hindi dapat hinahayaan ng pamahalaan na payagang mangisda ang mga Chinese sa EEZ sa West Philippine Sea (WPS).
Aniya, nangunguna dapat ang Pangulo sa pagprotekta sa exclusivity ng marine resources ng bansa.
Ipinunto rin ni Carpio na base sa ruling ng The Hague Abitral Tribunal na may hurisdiksyon ang Pilipinas sa EEZ nito sa West Philippine Sea kabilang ang Recto Bank.