Pagpayag sa mga non-essential inbound travel sa Pilipinas, pinag-aaralan pa ng IATF

Pinag-aaralan pa ng Technical Working Group (TWG) ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang non-essential inbound travels sa Pilipinas.

Ayon kay IATF Co-Chairman at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, step by step process kasi ang kailangan dito.

Aniya, kailangan munang malaman kung ilan ang inaasahang overseas Filipinos na darating at kung kakayanin ba ito ng capacity ng bansa pagdating sa testing, at isolation o quarantine.


Sa ngayon, ang mga returning residents pa lamang ang pinapayagang makapasok ng Pilipinas, gayundin ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at overseas Filipinos kasama ang kanilang mga anak at asawa Pilipino man o dayuhang asawa.

Maliban dito, pinapayagan ding makapasok ng bansa ang mga dayuhan na may expertise sa trabahong kailangan sa Pilipinas at mga diplomat.

Una nang pinayagan ng IATF ang non-essential outbound travels o ang paglabas ng bansa ng mga Pilipino, alinsunod sa mga patakaran at panuntunan.

Pinayuhan naman ni Nograles ang mga Pilipinong gustong mag-abroad na alamin muna kung ang bansang pupuntahan ay tumatanggap na ng bisita lalo na kung mula sa Pilipinas.

Facebook Comments