Pagpigil sa healthcare workers na mangibang bansa, hindi makatao ayon sa DMW

Pinalagan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople ang pagpigil sa healthcare workers na mangibang bansa upang makapagtrabaho.

Ayon kay Ople, hindi makatao na pigilan ang mga ito sa paghahanap ng trabaho sa bansa dahil hindi maiiwasan ang mga ganitong senaryo.

Dagdag pa ng kalihim, dapat tugunan ng gobyerno ang local working conditions upang mahikayat ang mga ito na hindi na umalis ng Pilipinas.


Sinisilip ng DMW ang scholarship program para sa healthcare workers na magsisilbi sa Overseas Filipino Worker (OFW) hospital sa San Fernando, Pampanga.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa Department of Health (DOH) upang magtayo ng mga OFW wings sa ilang regional ospital sa bansa na mataas ang bilang ng OFWs.

Facebook Comments