Pagpili ng bagong Army Chief, umaayon sa batas

Nagpahayag ng paghanga at papuri si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pagsunod ng Malacañang at Department of National Defense (DND) sa pagtalaga ng bagong commanding general ng Philippine Army.

Ayon kay Lacson, nasunod ng Palasyo at DND ang Republic Act 8186 sa pagkakatalaga kay Maj. Gen. Andres Centino na kapalit ni Lt. Gen. Jose Faustino Jr.

Magugunitang sa Commission on Appointments nitong Marso, ay kinwestyon ni Lacson ang pagtalaga kay Faustino bilang Army Commanding General.


Nilinaw naman ni Lacson na hindi niya personal na tinututulan ang pagkakatalaga kay Faustino na magreretiro na sa Nobyembre.

Tinukoy ni Lacson na nakasaad sa Sec. 4 ng RA 8186 na maliban sa AFP Chief of Staff, ay walang opisyal ang maaring italaga sa mga key positions kasama ang major service commanders o ma-promote sa ranggong Brigadier General o Commodore kung magreretiro na o kulang na sa isang taon ang ilalagi nito sa serbisyo.

Facebook Comments