Pagpili ng bagong contractor para sa MRT Common Station, target ng DOTr bago matapos ang taon

Minadali na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpili ng bagong contractor na magpapatuloy sa naantalang konstruksyon ng MRT Common Station o ang Unified Grand Central Station sa North EDSA, Quezon City.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon, posibleng bago matapos ang taon ay makapili na sila ng bagong contractor.

Nasa 80% naman ng tapos ang proyekto, kaya inaasahang hindi na aabutin ng matagal na panahon bago ito mabuksan sa publiko.

Target aniya ng DOTr na mabuksan ang Common Station sa una o ikalawang quarter ng 2027, kasabay ng pagsisimula ng operasyon ng MRT-7 at pagkokonekta ng LRT Line-1.

Ayon kay Dizon, mahalaga aniya sa ngayon na matapos muna ang proseso ng pagpili sa bagong contractor para maituloy na ang konstruksyon at mapakinabangan ng publiko ang Common Station.

2017 nang simulan ang konstruksyon ng Common Station, na inaasahan sanang mabuksan noong 2023 pero naantala dahil sa ilang isyu ng dating contractor.

Facebook Comments