Pagpili ng bagong house speaker, hindi pakikialaman ni PRRD – Palasyo

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na makialaman sa pagpili ng bagong speaker sa Kamara.

Tugon ito ng Palasyo sa pahayag ni PDP-Laban President at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na kumpiyansa ang kanilang hanay na makukuha nila ngayon ang house speakership.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala sa karakter ng Pangulo na makialam sa trabaho ng sangay ng lehislatura maging sa pagpili ng kanilang lider.


Hindi naman aniya kahiya-hiya sa PDP-Laban kung hindi manggagaling sa kanilang hanay ang bagong speaker.

Sabi pa ni Panelo, mahalaga sa Pangulo na tuparin ng mga nahalal na opisyal ang kanilang tungkulin lalo at sila ay mga government worker.

Dapat din aniyang tiyakin ng mga nahalal na opisyal na gawin ang nararapat at tiyaking pabor sa taong bayan at sa bansa.

Kabilang sa mga matunog na pangalan na susunod na house speaker ay sina Congressman Pantaleon Alvarez, Taguig 1st. Rep. Alan Cayetano, Pampanga Cong. Aurelio Gonzales, Marinduque Congressman Lord Allan Velasco, incoming Leyte Cong. Martin Romualdez na maaring sumunod na speaker.

Facebook Comments