Pagpili ng DA sa Subic na pagtatayuan ng pasilidad para sa mga ini-import na karne, sinita ng isang senadora

Pinagpapaliwanag ni Senator Imee Marcos ang Department of Agriculture (DA) kaugnay sa pagpili nito sa Subic na pagtatayuan ng ‘cold examination facility’ na aabot ng P500 million ang halaga.

Duda ang senadora sa lokasyon dahil sa halip na sa Maynila na karaniwang ibinabagsak ang mga inimport na karne ay sa Subic naisipang itayo ng DA ang pasilidad.

Dahil dito ay nababahala ang senadora sa mas mataas na tyansa ng pagpasok ng sakit na African Swine Fever (ASF).


Nababahala rin si Marcos dahil mas magmamahal ang presyo ng food imports para sa 12 milyong residente sa Metro Manila dahil mangangahulugan ng dagdag na bayarin ang paghahatid ng produkto mula sa Subic.

Sinita rin ng senadora na siyam na taon na ang nakalipas mula nang maisabatas ang Food Safety Act subalit hanggang ngayon ang first-border inspection ay hindi pa rin maayos na naipatutupad.

Facebook Comments