Pagpili ng gagawaran ng 2020 National Tagsanay Award ng TESDA, sinimulan na

Inihayag ng pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na nagsisimula na ang kanilang pagpili para sa gagawaran ngayong taon ng National Tagsanay Award.

Ayon kay TESDA Secretary Isidro Lapeña, mayroonh 11 Technical Vocational Education and Training (TVET) trainers mula public at private institutions sa Regions I, II, V, VI, VII, VIII, IX, XI, National Capital Region, Cordillera Administrative Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang ko-kompleto sa listahan ng kalahok para ngayong taon.

Aniya sa October 5, 2020 ide-deklara ang pangalan ng nanalo na makakatanggap ng P25,000.


Ang 1st runner up ay P20,000; 2nd runner up ay P15,000 at ang papasok sa Top Eight Trainers ay makatatanggap ng P5,000 bawat isa.

Maliban dito, may special awards din tulad ng Best Trainer’s Portfolio; Best Trainer in Written Exam; Best Trainer in Online Panel Interview; Best Trainer in Enhancement of Training Package; National Tagsanay Overall Winner’s Institution; 1st Runner-up’s Institution; and, 2nd Runner up’s Institution.

Ang TESDA’s Institutional Awards ay itinatag noong 2015 at ginawang taunang aktibidad ng TESDA na may layuning kilalanin ang husay at galing ng mga tech-voc trainers.

Ito rin ay bilang bahagi ng selebrasyon ng ahensya ng World Teachers’ Month.

Facebook Comments