Sa harap ng pagrespeto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng ilang healthcare professionals sa western brands ng COVID-19 vaccines, maituturing aniya itong diskriminasyon sa parte ng COVID-19 vaccines ng China.
Sa kanyang talumpati sa Valenzuela City, binanggit ni Pangulong Duterte ang ilang doktor na naghihintay sa pagdating ng ibang brand.
Sinabi rin ng Pangulo na hinihintay din niya ang Sinopharm vaccine, isang Chinese drug, dahil ayaw niyang magpaturok ng western brand.
“Ang akin is Sinopharm, China. Hindi masyado ako maano diyan sa mga produkto ng puti,” sabi ni Pangulong Duterte.
Gayumpaman, malaya ang mga health workers na maghintay ng western brands at mananatili silang prayoridad ng pamahalaan.
“We have done our part. Kung mayroon pa ako maidagdag, with the limited time that I have.. almost an ineffective president,” sabi ni Pangulong Duterte.
Pagtitiyak ng Pangulo na patuloy niyang paghuhusayin ang welfare para sa mga public school teachers.
Aniya, nag-iimpok ng pondo ang pamahalaan para itaas ang sahod ng mga guro subalit tumama ang pandemya sa bansa.