Pagpili ng PDP-Laban kay Cong. Velasco para pambato sa house speakership, dumaan sa konsultasyon

Manila, Philippines – Umaalma ang ilang miyembro ng PDP-Laban, partikular si Albay Representative Joey Salceda na nagsabing walang naganap na konsultasyon sa pagpili kay Congressman Lord Allan Velasco para pambato ng partido sa house speakership race.

Pero giit ni PDP-Laban President Senator Koko Pimentel, wala itong katotohanan.

Diin ni Pimentel, nagkaroon sila ng maraming pagpupulong kung saan kinonsulta ang kanilang mga miyembro kung sino ang mamanukin sa house speakership.


Sa katunayan, ayon kay Pimentel, siya pa ang host ng isa nilang meeting na ginanap sa isang restaurant sa Greenhills sa San Juan.

Sabi pa ni Pimentel, ilan sa mga pulong nila ay isinagawa sa bahay ni Senator Manny Pacquiao.

Marahil aniya ay hindi nakadalo si Salceda sa nabanggit na mga pulong.

Binanggit ni Pimentel, na mayroon din silang hiwalay na mga pulong para sa tatlong miyembro na pinagpilian para suportahan sa house speakership na kinabibilangan nina Congressmen Velasco, Aurelio “Dong” Gonzales at Pantaleon Alvarez.

Facebook Comments