Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LFTRB na wala sa kanila ang kontrol kung anong unit o brand ng modern jeepney ang pipillin ng mga consolidated transport group.
Sa balitaan sa Tinapayan News Forum, sinabi ni Joel Bolano, head ng LTFRB Technical Division, hawak ng mga kooperatiba o korporasyon ang pamimili ng klase ng unit na kanilang ibabyahe.
Paliwanag pa ni Bolano, ang kailangan lang sundin base sa Omnibus Franchising Guidelines of 2017 ay ang specs ng isang unit tulad ng klase ng makina, sukat, lugar ng pinto at iba pa.
Pero pagdating naman sa disenyo, may kakayahang mamili ang mga consolidated transport group kung anong klase, style ang kanilang bibilhin at gagamiting pamasada.
Matatandaan na isa sa mga inirereklamo ng mga transport group ay ang pagkakaroon ng masyadong mahal na unit kung saan walang anumang bakas ng tradisyunal na jeepney.