
Iginiit ni Executive Secretary Lucas Bersmain na hindi masasabing reward ang pagkakatalaga kay PMaj. General Nicolas Torre III bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Kasunod ito mga batikos na reward ito ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paghuli ni Torre kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Bersamin, lahat aniya ng promosyon ay maituturing na reward, pero ang pagpili kay Torre ay may katumbas din namang merito, at may iba ring katangian na ikinonsidera na taglay rin naman ng limang pinagpiliang pangalan.
Naniniwala rin si Bersamin na hindi magdudulot ng demoralization sa hanay ng PNP ang pagkakatalaga kay Torre kahit pa may mga mas senior officials sa kaniya.
Sabi ni Bersamin, propesyunal ang mga miyembro ng PNP at tiyak na susuportahan nito ang desisyon ni Pangulong Marcos bilang commander-in-chief.
Sa ngayon, si Torre ay 2-star rank general at matatanggap nito ang kaniyang apat na estrella, na pinakamataas na ranggo sa PNP sa June 2.
Siya rin ang kauna-unahang PNP Chief na galing sa Philippine National Police Academy.









