Aminado si Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao na malaking factor ang kalusugan ng mga players sa pagpili niya ng final 12 na sasabak sa FIBA World Cup.
Ayon kay Guiao – mismong ang sitwasyon na umano ang siyang nagpasya dahil sa may health issue ang ilan sa kanilang mga manlalaro.
Nilinaw ni Guiao na lahat naman ng players ay ipinakita ang kanilang makakaya upang patunayan na karapat-dapat silang mapabilang sa opisyal na roster.
Maliban sa kalusugan, naging factor din sa kanilang pagpili ang performance sa training camp sa Spain at ang dalawang tune-up games vs. team.
Facebook Comments