Pagpili sa Mislatel bilang 3rd telco, didinggin muli

Manila, Philippines – Muling didinggin ng Senate Committee on Public Services sa Huwebes ang pagpasok ng kumpaniyang Mislatel bilang ikatlong third telco sa bansa.

Ipinatawag ni Senator Garce Poe, chairman ng komite ang negosyanteng si Dennis Uy at mga kasosyo nito.

Ayon kay Poe, bubusisiin nila sa pagdinig kung nakatugon ang Mislatel Consortium sa mga requirement para tuluyang makapasok bilang third telco.


Matatandaang ilang beses ng ipinatawag si Uy sa dalawang naunang mga pagdinig pero bigo itong sumipot.

Facebook Comments