Walang koneksyon sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Executive Order (EO) na naga-adjust sa dividendo ng Development Bank of the Philippines (DBP).
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno ang pagbawas ng dividendo sa remittance sa Landbank of the Philippines at DBP ay matagal na at wala pa noon ang panukalang MIF.
Paliwanag ni Diokno, ginawa ang adjustment para mas ma-improve ang abilidad ng dalawang government banks para makapagserbiyo ng maayos at mapanatili ang financial standing.
Una nang inutos ni Pangulong Marcos ang pagbawas sa dividendo ng DBP para daw masuportahan ang capital position ng the DBP.
At para makapag-comply sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mapanatili ang kanilang role ngayong nagpapatuloy ang economic recovery ng bansa dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.