Pagpirma ni PRRD sa 2019 budget, tagumpay ng mamamayan

Manila, Philippines – Iginiit nina Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo Ping Lacson na tagumpay ng mamamayang Pilipino ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2019 national budget.

Diin ni Sotto, hindi nakaligtas sa mahigpit na pagbusisi ni Pangulong Duterte ang mga ilegal na realignments sa budget kaya na-veto o ibinasura nito ang ilang items na nagkakahalaga ng 95.3 billion pesos.

Pinuri naman ni Senator Lacson si Pangulong Duterte at ang kanyang economic team sa pagtanggal sa mga pork barrel na nakapaloob sa pambansang budget.


Hindi pa nababasa ni Lacson ang veto message ng Pangulo pero naniniwala siyang kasama sa mga na-veto ng Pangulo ang mga tinukoy na items ni SP Sotto.

Sa tingin ni Lacson, kabilang dito ang 75 billion pesos na insertions ng mga kongresista at maaring kasama din ang 20 billion pesos na insertions na ginawa umano ng ilang mga senador.

Facebook Comments