Pagpirma sa makasaysayang kasunduan para sa paglalagay ng kauna-unahang EV Motorcycle Manufacturing Site sa Pilipinas, sinaksihan ni PBBM

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Integrated Micro-Electronics Inc., ng Ayala Group at California-based Zero Motorcycles.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, sa ilalim ng MOA magiging partner ang dalawa sa paglalagay ng kauna unahang Electric Vehicle (EV) motorcycle manufacturing site sa Pilipinas.

Isinagawa ang signing ceremony sa Washington D.C USA, kung saan isinasagawa ng pangulo ang limang araw na official visit.


Ang Integrated Micro-Electronics Inc. (IMI), ang mag-a -assemble ng Zero Electric Motorcyle Models, maging ang pag assemble ng kanilang pasilidad sa Laguna.

Ayon pa kay Garafil, 200 workers ang aasahang magkakaroon ng trabaho dahil sa partnership na ito mula sa paggawa ng assembly line, manufacturing, packing at shipping ng 18,000 Electric Vehicle kada taon.

Ang cooperation agreement ay mayroong projected amount na US$ 65 Million.

Kasama ng pangulo sa business meeting na ito sina Speaker Martin Romualdez, Trade Secretary Alfredo Pascual, Energy Secretary Raphael Lotilla, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr., Communications Secretary Cheloy Garafil at Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.

Dumalo naman sa pagpupulong sa panig nang IMI si Ayala Corporation Chairman Jaime Augusto Zobel De Ayala at Automotive at Industrial Regional Manager Dave Corry.

Facebook Comments