Naniniwala si Senate President Francis Escudero na paglabag sa Data Privacy Act ang paglalabas ng “screenshot” ng isang private text message at pagpo-post nito sa social media.
Bagama’t wala namang pinatutungkulan si Escudero, matatandaang naging mainit ngayon sa mga netizens ang isyu ng ilang artista dahil sa pribadong usapan sa text message na nai-screenshot at naikalat na sa social media.
Ayon kay Escudero, bilang isang abogado, maaaring maging paglabag sa Data Privacy Act ang pagpapakalat ng “screenshot” ng isang private conversation pero ito ay maituturing pang alegasyon na kailangang mapatunayan sa korte.
Magkagayunman, paglabag man itong maituturing pero puwede rin itong magamit na ebidensya dahil sa ginawang exception ng korte.
Magagamit lamang aniya itong ebidensya sa mga criminal case para patunayan ang innocence o guilt at hindi sa civil case para magpabayad o mabawi ang anumang ari-arian.