Pagpo-protesta ng mga health workers, hindi nakakaapekto sa operasyon ng PGH

Inirerespeto ng pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) ang pagsali sa rally ng mga health workers nito ukol sa isyu ng hindi naibibigay benepisyo.

Sa interview ng RMN Manila, tiniyak ni PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na hindi nakakaapekto sa operasyon ng ospital ang pagsama sa protesta ng kanilang mga tauhan dahil ginagawa naman nila ito sa oras na hindi sila naka-duty.

“We respect their right to assemble at ipahayag ang kanilang hinaing, it is really their right naman po at nirerepesto naman nila kung duty ka, hindi ka sasama dun,” ani Del Rosarion.


Samantala, bahagyang nabawasan ang bilang ng mga pasyenteng naka-admit ngayon sa PGH na nasa 295 na lamang mula sa 325 noong nakalipas na araw.

Pero hindi pa rin sila tatanggap ng walk-in sa ospital dahil may 30 pa silang pasyente sa emergency room at mahigit 100 sa waitlist.

Dagdag pa ni Del Rosario, ayaw nilang umabot sa punto na sa parking lot na nila ginagamot ang mga pasyente dahil para sa kanila, hindi ito ligtas.

“Ayaw po namin dun, kasi hindi po safe at hindi rin natin mamomonitor kasi kapag naglagay ka do’n, maglalagay ka rin ng tao, e may limitation kasi sa healthcare workers,” paliwanag niya.

Facebook Comments