Monday, February 2, 2026

Pagpondo sa pagsasaayos ng isyu pagdating sa transmission line sa Bicol International Airport, ipinag-utos ng DOTR sa CAAP

Inatasan ni Transportation Secretary Giovanni Lopez ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pondohan ang pagsasaayos sa isyu ng transmission line ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Bicol International Airport (BIA).

Kung saan pinaglalaan ng kalihim ang CAAP ng pondong nagkakahalaga ng 200 hanggang 300 million pesos.

Sinabi ni Lopez sa isang pulong balitaan na underutilized ang paggamit sa 2,500 meters runaway ng BIA dulot ng mga obstruction ng transmission lines.

Dagdag naman ng DOTr Secretary na kaniya nang kinausap ang CAAP tungkol dito upang makatutulong aniya na maibaba ang transmission line para ma-optimize ang paggamit sa runaway.

Umaasa naman ang kalihim na masisimulan ang proyekto ngayong taon at sa oras na matapos ang pagsasaayos ay maari na itong maka-accommodate ng mga international flight.

Bago ito, una nang ininspeksyon ni Lopez ang airport kasama ang iba pang kawani ng CAAP kung saan pinamamadali na nito ang pagsasaayos ng kisameng nasira bunsod ng pananalasa ng Bagyong Uwan noong Nobyembre nakaraang taon.

Facebook Comments