Pagpoproseso sa 2nd tranche ng salary increase ng mga teaching at non-teaching personnel, nagpapatuloy – DepEd

Nagpapatuloy ang pagpoproseso ng second tranche ng salary increase sa mga teaching at non-teaching personnel.

Ito ay alinsunod sa Salary Standardization Law (SSL) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, bawat taon ay may umento sa sahod angt mga guro dahil sa SSL.


Paglilinaw din ni Sevilla na ang salary increase ay hindi eksklusibo sa DepEd pero sa lahat din ng mga kawani ng pamahalaan.

Facebook Comments