Hindi isang bisitang asymptomatic sa COVID-19 ang dahilan ng pagiging positibo sa COVID-19 ng 122 mga bata at tauhan sa isang bahay ampunan sa Quezon City.
Taliwas ito sa sinabi ni City Epidemiology and Surveillance Unit Chief Dr. Rolando Cruz na isang asymptomatic adult ang pumasok sa bahay ampunan na posibleng nagdala ng virus at nagsanhi ng outbreak.
Ayon kay Charity Graff, Executive Director ng bahay-ampunan, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga hindi miyembro ng bahay-ampunan sa lugar.
Wala pa namang impormasyong kung kanino nanggaling ang pagkahawa.
Nabatid na sa 122 mga batang nagpositibo, 99 ang mga edad 18 pababa.
Inaasikaso na ng lokal na pamahalaan ang kalagayan ng mga bata at ng mga tauhan ng orphanage.
Nagpadala na rin ang LGU ng mga gamot, vitamins, hygiene kits, face masks, alcohol, at food packs para sa pangangailangan ng mga nanunuluyan sa orphanage.