Pagprayoridad ng Senado sa impeachment trial kay VP Sara, dapat igiit ng Kamara

Binatikos ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang hindi pa rin pag-aksyon ng Senado sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Bunsod nito ay nanawagan si Castro sa buong Kamara na patuloy na igiit sa Mataas na Kapulungan sa pamumuno ni Senate President Francis Chiz Escudero na simulan na ang proseso ng impeachment.

Diin ni Castro, ang pag-antala ni Escudero sa impeachment proceedings ay tahasang paglabag sa Saligang Batas at pagtataksil sa panawagan ng mamamayan para sa pananagutan.

Paalala ni Castro, malinaw ang utos ng saligang batas na dapat ay agarang simulan ang impeachment trial lalo na at hindi biro ang dapat panagutan ni VP Sara na maling paggamit sa ₱612.5 million na confidential fund na pera ng mamamayan.

Facebook Comments