Ngayong Labor Day ay binigyang diin ni Senator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng mga manggagawa bilang pundasyon ng patuloy na lumalagong ekonomiya.
Kaya naman tiniyak ni Go ang pagsusulong sa mga panukalang batas at pagsuporta sa mga programa na magbibigay proteksyon sa karapatan at magpapabuti sa kapakanan ng mga manggagawa.
Buo ang paniniwala ni Senator Go na ang hanay ng mga mangagawa ay kaisa ng gobyerno at ng buong sambayanan sa hangaring maibalik ang sigla ng ekonomiya sa mas lalong madaling panahon sa pamamagitan ng pagtutulungan nating lahat para malampasan ang krisis ngayon.
Facebook Comments