Hinimok ni AnaKalusugan Party-list Representative Ray Reyes, ang mga kapwa mambabatas na iprayoridad ang mga panukalang batas na mangangalaga sa kalusugan ng mamamayan.
Inihalimbawa ni Reyes ang mga panukala na kanyang inihain na layuning magbigay ng libreng check-up kada taon kasama ang pagsusuri sa blood chemistry at sugar.
Binanggit din ni Reyes ang panukalang nursing scholarship program at dagdag na buwis sa mga matatamis na inumin na magpopondo sa Universal Health Care at magsusulong ng healthier lifestyle sa mga Pilipino.
Ayon kay Reyes, nasa 66 na mga panukala na ang kanyang naihain na magpapahusay sa serbisyong pangkalusugan para sa taumbayan.
Bukod dito ay iginiit ni Reyes na malaking tulong din lalo na sa mga mahihirap nating kababayan ang pagsasagawa ng mga medical mission na ikinakasa ng kanilang grupo kada 2 linggo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.