Pagpresenta ng e-warrant of arrest, pinapayagan sa batas ng Pilipinas

Pinapayagan sa batas ng Pilipinas ang presenta ng e-warrant of arrest alinsunod sa isinagawang revisions of rules of court.

Ito ang paliwanag ni International Criminal Court o ICC-accredited lawyer Atty. Joel Butuyan sa Malacañang press briefing matapos mabanggit sa Senado na walang warrant ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Butuyan, hindi totoong warrantless ang ginawang pag-aresto sa dating pangulo dahil may pinakitang kopya ng warrant.


Sa katunayan aniya sa ICC, paperless na ang kanilang proceedings, maging sa mismong trial.

Kahit wala aniyang pisikal na kopya ng warrant na maipakita, pinapayagan pa rin ito, dahil ang mahalaga lamang, existing na ang warrant of arrest sa mismong oras ng pag-aresto sa isang indibidwal.

Dagdag pa ni Butuyan, hindi extra rendition ang nangyaring pag-turn over ng Pilipinas sa ICC kay dating Pangulong Duterte dahil ito’y ginagawa lamang sa pag-aresto, halimbawa sa isang terorista, na isusuko ng isang bansa patungo sa isa pang bansa.

Bukod dito, hindi aniya bansa sa bansa ang nag-ugnayan para sa pagsasakatuparan ng pag-arestong ito, dahil naganap ito dahil sa warrant of arrest na inilabas ng isang international court.

Sa kaso aniya ng pag-aresto kay dating Pangulong Duterte, malinaw na mayroong hawak na warrant of arrest ang mga awtoridad.

Facebook Comments