Pagprisinta ng medical certificate ng mga domestic airline passengers, inirekomenda sa IATF ayon sa JTF COVID Shield

Inirekomenda na ng mga airline industry stakeholders sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang mandatong pagsusumite ng medical certificate ng lahat ng domestic airline passengers.

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, napagkasunduan sa konsultasyon na i-require ang lahat ng domestic passengers na magprisinta ng medical certificate bago sumukay sa eroplano, bilang proteksyon sa lahat ng mga pasahero partikular ang mga kinailangang kumuha ng travel authority para makalipad.

Paliwanag ni Eleazar, ang mga may travel authority ay inoobliga rin na magprisinta ng medical certificate bago isyuhan ng travel authority.


Habang sa kasalukuyan, ang mga Authorized Persons Outside of Residence o APOR ay tanging ID Lang ang kailangang ipakita para patunayan na work related ang kanilang pagbiyahe.

Sinabi ni Eleazar na ang pag-require ng medical certificate sa lahat ng pasahero kabilang ang APOR ay makakatulong din na mabigyan ng peace of mind ang mga Local Government Unit (LGU) na pupuntahan ng mga pasahero na sila ay COVID free.

Facebook Comments