Aksaya lamang sa oras…
Ito ang iginiit ng malacañang kasabay ng plano ni Vice Presidente Leni Robredo na i-prisenta sa Kamara at Senado ang kanyang report sa war on drugs.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, si Robredo ay walang kredibilidad at kakayahan para talakayin ang Anti-Drug Campaign ng gobyerno.
Punto pa ni Panelo, ang 19 na araw ni Robredo sa Inter-Agency Committee On Anti-Illegal Drugs (ICAD)ay hindi mangangahulugang eksperto na siya at magkakaroon ng objective at credible na analysis sa drug war.
Pero sinabi ni Panelo, na ipapaubaya na niya sa Kamara kung sa tingin nila ay maliliwanagan sila sa report ni Robredo.
Una nang sinabi ng palasyo na hindi kailangan ang report ni Robredo at nagpapapansin na lamang ito.
Facebook Comments