
Ipapasa-Diyos na lang daw ni outgoing Senator Aquilino Koko Pimentel III ang pag-pabor ng Commission on Elections (COMELEC) en banc sa proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang 1st District Representative ng Marikina City sa katatapos na midterm elections noong Mayo.
Tinalo ni Teodoro si Senator Pimentel na tumakbo sa naturang posisyon.
Sa panayam ng DZXL News, ikinatwiran ni Pimentel na kaduda-duda ang desisyon na anim na buwan aniyang tinulugan bago maglabas ng desisyon.
Sa desisyon ng Comelec en banc na inilabas nitong June 25, 2025, kinatigan nito ang certificate of candidacy (COC) ni Teodoro na naunang kinansela ng First Division ng poll body dahil sa misrepresentation sa kaniyang residency.
Samantala, balak ni Senator Pimentel na dumulog sa Korte Suprema para kwestyunin ang kapangyarihan at kung may pag-abuso sa panig ng Comelec.









